^

Police Metro

‘Palakasan system’ sa PNP, tutuldukan ni Azurin

Joy Cantos - Pang-masa
âPalakasan systemâ sa PNP, tutuldukan ni Azurin
Lt. Gen. Rodolfo Azurin.
Jr. PNP PRO-1

MANILA, Philippines — Tutuldukan na ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang umiiral na “palakasan system” sa hanay ng pambansang pulisya. 

Ayon kay Azurin, titiyakin niya sa kanyang panunungkulan na iiral ang tama sa promosyon at pagtatalaga sa posisyon kung saan dapat maunang titingnan ang “seniority” at kakayahan ng mga police officers.

Ayon kay Azurin, inatasan na niya ang Directorate for Personnel and Records Management  (DPRM) na gumawa ng long term plan sa nasabing programa.

“Para maiwasan natin ‘yung palakasan system sa promosyon ng ating mga PNCO’s  (Police Non-Commissioned Officers), ang DPRM ay dapat magkaroon ng 5 year recruitment, promotion and retirement plan,” anang bagong talagang PNP Chief.

“This will also give the leadership the glimpse sa financial requirement na kailangan kung magre-request para sa taunang pondo sa personnel services,” paliwanag ni Azurin.

 Ang palakasan system ay nagaganap kapag ang isang opisyal ng pulisya na kuwalipikado sa posis­yon ay na-bypassed ng may mga backers na maiimpluwensyang opisyal o personalidad.

Nangako rin ang PNP chief na ipatutupad na may pagtalima sa batas ang kapangyarihan ng kaniyang tanggapan sa ilalim ng Section 26 ng Republic Act 6975 o ang Department of Interior and Local Government Act.

Tiniyak din niya na sa ilalim ng kaniyang termino, ang lahat ng mga PNP personnel na nakatakdang magretiro ay makatatanggap ng lahat ng benepisyo para sa kanilang ginawang serbisyo sa publiko. 

Dagdag nito, ire-recalibrate ang giyera kontra droga partikular na sa ope­rasyon ng mga pulis sa mga lugar na nauna nang idineklarang drug free.

 

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with