^

Police Metro

Taas-presyo ng petrolyo iimbestigahan sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa serye o walang control na pagsirit sa presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo, mag­sasagawa ng imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol dito.

Ayon kay 4th District Quezon City Rep. Marvin Rillo, naghain siya ng House Resolution (HR) 153 na nag-aatas sa House Committee on Energy na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” sa walang humpay na taas-presyo ng fuel products.

Ipinasisilip ng Kongresista sa komite ang posibleng overpricing ng mga oil companies at ang pagtaas ng tubo ng mga ito kapalit ng paghihirap ng mga konsyumer.

Si Rillo, isang neophyte na Kongresista ay tinukoy ang Consumer Act of 1992 o Republic Act No. 7394 na nagsasaad na tungkulin ng estado na protektahan ang interes at kapakanan ng mga konsyumer, at panati­lihin ang tamang standards sa mga negosyo.

Base sa data, sinabi ni Rillo na mula Enero 3 hanggang Hunyo 21, 2022  ay magkakasunod na nagtaas ng presyo ang mga oil companies na uniform o magkakapareho ang presyo­.  Ang diesel ay nasa P44.25 kada litro, ang gaso­lina ay nasa P 29.50 per litro at kerosene P39. 65 kada litro.

OIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user