^

Police Metro

Info drive vs cyber crime pinalakas ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng krimen partikular ang scamming, phishing at iba pa, pinalakas na ng Philippine National Police ang information drive nito upang maging alerto ang publiko laban sa lahat ng uri ng cyber crimes.

Ayon kay PNP-Anti-Cyber crime Group (ACG) director P/Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, ang kanilang inisyatibo ay nakaangkla sa tumataas na pagiging dependent ng mga tao sa teknolohiya kung saan nahihilig ang mga ito sa mga gadgets at sa social media.

Aminado naman ang opisyal na ang problema ay gumagamit din ang mga tiwali at manlolokong indibiduwal ng modernong teknolohiya sa kanilang illegal na aktibidades at social engineering na kanilang taktika. 

“The ACG must step up to keep with the pace of the constantly changing cyber security landscape since scammers and fraudsters continuously find new ways and means to outwit our cybercops,” pahayag ni Masauding.

Dahil dito, inalerto na ni Masauding ang lahat ng mga units ng pulisya sa kaniyang hurisdiksyon na magposte ng infographic stickers sa mga matataong lugar na naglalaman ng Quick Response (QR) codes na mai-scan para mapunta sa ACG’s Facebook page and website na naglalaman ng mga tips kung paano makakaiwas na mabiktima ng cybercrimes.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user