^

Police Metro

Parak na ‘tulak’ timbog sa P3.4 milyong shabu

Joy Cantos - Pang-masa
Parak na âtulakâ timbog sa P3.4 milyong shabu
Base sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon noong Huwebes nang isagawa ang drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD) sa harap ng isang supermarket na matatagpuan sa Zabarte Road kanto ng Camarin Road Brgy. 172, Caloocan City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang pulis na umano’y suma-sideline sa pagtu­tulak ng shabu at kanyang kasabwat matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation kama­kalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Police Corporal Mark Jefferson Lopez, 30, nakatira sa PNR Compound Samson Road, Caloocan City; at John Lester Lopez, 25, meka­niko, residente ng Bagong Silang Caloocan City.

Base sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon noong Huwebes nang isagawa ang drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD) sa harap ng isang supermarket na matatagpuan sa Zabarte Road kanto ng Camarin Road Brgy. 172, Caloocan City.

Isang ahente ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang dalawa.

Nakumpiska kay Lopez ang PNP service firearm nito na Glock 17, 1 pistol magazine; 19 na 9mm na bala, PNP Identification Card; 2 mo­bile phone, habang kay Muñoz naman ay isang caliber 45, magazine na may pitong bala, cellular phone, tatlong transparent­ sachet na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa naha­ha­rap sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Agad naman sinibak sa tungkulin at pinadis-armahan ni NPD Director PBGEN Ulysses Cruz ang sub-station 13 commander, assistant commander, shift supervisor at grupo ni Lopez. 

Sila ay pansamantalang dinala sa camp res­triction custody habang patuloy ang malalimang imbestigasyon sa pagkakasangkot ng pulis sa bentahan ng ilegal na droga.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user