^

Police Metro

10 patay sa karambola ng 3 sasakyan sa GenSan

Joy Cantos - Pang-masa
10 patay sa karambola ng 3 sasakyan sa GenSan
Sa ulat ng General Santos City Police, bandang alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang banggaan ng cargo truck, isang pickup truck at isang uti­lity van na puno ng sakay na pasahero sa highway ng Brgy. Batomelong ng lungsod.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sampung katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa karambola­ ng tatlong sasakyan kama­kalawa ng hapon sa Ge­ne­ral Santos City.

Sa ulat ng General Santos City Police, bandang alas-3:15 ng hapon nang mangyari ang banggaan ng cargo truck, isang pickup truck at isang uti­lity van na puno ng sakay na pasahero sa highway ng Brgy. Batomelong ng lungsod.

Ang mga pasahero ng utility van na kararating lang sa lungsod ay galing sa team building activity sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cesar Andaya, cargo truck driver; Noel Podadera, van driver; Lalaine Joy Labang; My­lene Donaldo; Carlo Advincula; Regie Pag-ong; Ryan Jay Niñez; Salvacion Masugbod; Alfredo Abatayo; at Rose Ann Macpal.

Ang mga nasugatan na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ay nakilala namang sina Regina Gadia; Shiela Bantaculo; Jerel Villaruz; at Jeraldine Villaruz.

Nabatid na ang mga pasahero ng nirentahang van ay mga empleyado ng Tuna Exporters Multi-Purpose Cooperative na nakabase sa Brgy. Tambler, General Santos City.

Lumabas sa imbestigas­yon ng pulisya, binabaybay ng tatlong sasakyan ang nasabing kalsada nang biglang sumabog ang gulong ng Toyota Hi Ace na minamaneho ni Podadera.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela si Podadera at napunta ito sa kabilang linya dahilan para mabangga nito ang Ford Raptor na minamaneho ni Elbert Hayag, 44, ng Malalag, Davao Del Sur hanggang sa su­malpok naman ang wingvan truck na minamaneho ni Cesar Andaya.

Sa lakas ng salpukan, halos nayupi ang commuter van at tumalsik palabas ng kalsada ang ibang pasahero na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user