^

Police Metro

PCG, nagsagawa ng maritime patrol ops sa Manila Bay at Pasig River

Doris Franche - Pang-masa
PCG, nagsagawa ng maritime patrol ops sa Manila Bay at Pasig River
Undated file photos shows Pasig River.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng security measures para sa inagurasyon ni Pre­sident-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa ­Hunyo 30 ay nagsimula nang magpatrulya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay at Pasig River.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, mayroon nang nakaposte sa Manila Bay at Pasig River at magpu-full blast ng mga personnel sa pagdeploy ngayong araw at mayroon ding Multi-Role Response Vessels (MRRV) na itatalaga sa magkakaibang shift.

Nauna nang sinabi ng PCG na magpapatupad ng no-sail zone sa Hunyo 30 sa bahagi ng Pasig River malapit sa Malacañang.

Kahapon ay ipinakita ng coast guard ang mga PCG vessels na idedeploy sa inagurasyon sa bisinidad ng Manila Bay. 

Sinabi rin ni Lieute­nant Commander Michael Encina na ang pagsasara ng Malacañang Restricted Area ay magmumula sa Hospicio De San Jose hanggang sa Pureza, Santa Mesa, Manila. - Danilo Garcia

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with