^

Police Metro

Inagurasyon ni Marocs, idineklarang holiday

Danilo Garcia - Pang-masa
Inagurasyon ni Marocs, idineklarang holiday
Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
STAR / File

MANILA, Philippines — Idineklara ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na “special non-working holiday” ang Hunyo 30, 2022 na araw nang panunumpa bilang ika-17 Pangulo ng bansa ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Executive Order No. 53 na nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, layon nito na mabigyan ng kaligtasan, seguridad at proteksyon ang mga dadalo sa makasaysayang inagurasyon ni Marcos Jr. bilang chief executive ng bansa na gaganapin sa National Museum of the Philippines na matatagpuan sa Padre Burgos Ave­nue, Ermita, Maynila.

Inatasan na rin ni Domagoso ang Manila Police District gayundin ang lahat ng barangay officials at law enforcement officers na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang upang mapanatili ang “peace and order” sa lungsod partikular na sa lugar kung saan gaganapin ang makasaysayang kaganapan sa Maynila. 

Kinakailangan din na ipasara ang mga kalsada sa loob at paligid ng bisi­ni­dad ng inaugural venue, na tiyak na ma­kakaapekto sa trapiko kaya kailangang ideklara na holiday ang event.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with