^

Police Metro

P2.385 million cocaine na papuntang Hong Kong nasabat sa tambutso ng motorsiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang shipment ng cocaine na itinago sa motorcycle parts na ie-export sa Hong Kong.

Katuwang ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement agency (PDEA) at NAIA Drug Interdiction Task Group (NAIA-DITG), na-intercept ang shipment na idineklarang mga motorcycle mufflers, brakepads, at radiator hose.

Nang suriin ay nadiskubre ang tinatayang 445 gramo ng cocaine na may halagang P2.385 milyon na nakasilid sa loob ng tambutso.

Isang masusing imbes­tigasyon ang inilunsad ng BOC para makilala at madakip ang mga personalidad na nasa likod ng shipment na sa oras madakip ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Drug Act at RA 10863 o ang Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).

COCAINE

NAIA

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with