Guevarra at Remulla nagpulong para sa DOJ transition

MANILA, Philippines — Nagmiting na sina outgoing Department of Justice Secretary Menardo Guevarra at incoming Secretary Boying Remulla para sa transisyon sa pagpapalit ng administrasyon sa katapusan ng buwan.
Tumagal ng dalawang oras ang pulong na pinag-usapan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng departamento na hindi naman isiniwalat ni Remulla sa media ang naganap na pulong.
“We might ask for a second one kasi masalimuot talaga ang problema ng sistema na kailangan natin isaayos,” saad ni Remulla.
Una nang inihayag ni Guevarra ang importansya ng transition meeting para sa walang paghinto ng operasyon ng DOJ at maayos na pagpapasa ng mga gawain at responsibilidad.
May siyam na suhestiyon na ibinigay si Guevarra sa papasok na bagong kalihim ng DOJ tulad ng pagpapatupad ng ‘3-year joint program’ kapartner ang United Nations ukol sa proteksyon sa karapatang pantao, ‘digitization’ ng lahat ng rekord ng mga bilangguan, at pagpapatuloy sa ‘immigration modernization bill’.
- Latest