^

Police Metro

Human rights groups pinapasama sa police drug ops

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang mga alegasyon na may pang-aabuso sa war on drugs ng pamahalaan ay hinikayat ni PNP OIC chief PLt.Gen. Vicente Danao ang human rights groups na sumama sa kanilang mga ikakasang anti-illegal drug operations

Ayon kay Danao, welcome ang mga human rights groups na sumama sa kanilang operasyon dahil wala naman itinatago ang PNP.

Nais lamang nilang matigil ang isyu na may paglabag sa karapatang pantao sa tuwing nagsasagawa ng drug operations.

Aniya, kung may nasawi sa operasyon, nangangahulugan lamang na nanlaban ang mga suspek dahilan para protektahan din ng mga operatiba ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal

Kunuwestiyon ni Danao, bakit hindi pinapansin ng human rights groups ang mga nasawing pulis sa operasyon at tinututukan lamang ang mga kriminal.

Maituturing na ‘unfair’ sa PNP na kwestiyunin ang kanilang war on drugs at hindi nakikita ang sakri­pisyo na umaabot sa pagbubuwis ng buhay.

Batay sa record nasa 800 na mga pulis na ang nasawi sa kanilang anti-illegal drug operations.

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user