^

Police Metro

Proteksyon para sa mediamen isusulong ng Marcos admin

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isusulong ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng mas malawak na mga programa at patakaran na magbibigay sa mga manggagawa sa media ng higit na proteksyon at benepisyo, ayon kay Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles. 

Ayon kay Cruz-Angeles, isa sa mga inaalala nila ang kaligtasan ng mga mamamahayag kaya posibleng gumawa sila ng mga bagong polisya.

“We are always concerned about the safety of our journalists. We are crafting possibly a new policy on this one. Possibly, [we will] also make it a little more expansive,” ani Cruz-Angeles sa La­ging Handa briefing noong Miyerkules.

Inilabas niya ang pahayag, bilang pagkilala sa apela ng National Press Club (NPC) sa papasok na administrasyong Marcos na patuloy na suportahan ang mga ope­rasyon ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs).

Sinabi ni Cruz-Angeles na ang pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamahayag ay isasama sa pinalawak na patakaran. Ang na-update na patakaran, aniya, ay makakatulong sa mga media practitioner na makayanan ang pan­demya ng Covid-19.

 “So, you know we are looking into welfare not just safety or protection kasi parang ang kasalukuyang patakaran ay nakatutok sa pag-atake, physical attacks sa ating mga mamamahayag. Nais din nating tingnan ang pagpapalawak nito upang maisama ang kapakanan ng ating mga mamamahayag. Ang ilan sa kanila ay tinamaan nang husto ng pandemya,” aniya.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with