^

Police Metro

Pasaway kaya ‘dinisiplina’ lang daw 8-anyos pina-squat ng nanay at tatay, patay!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamata­yan ng isang 8-anyos na batang lalaki dahil sa ginawang pagmamaltro ng sarili niyang ina at kinikilalang ama matapos siyang pa-squat-in at pagpapaluin habang umano’y “dinidisiplina” sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Rosario, Pasig City kamakalawa.

Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa Mission Hospital ang buhay ng batang biktima na itinago sa pangalang “Boy”. 

Arestado naman dahil sa kasong “parricide at homicide in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law”, ang mga suspek na sina Kimberly Villadolid, 29, ina ng biktima, at Germarc Franklin Villadolid, 39, call center agent, stepfather ng biktima; kapwa residente ng Bldg. O, Unit 1732, Urban Deca Homes, Ortigas Avenue Extension, Brgy. Rosario.

Batay sa ulat ni Pasig City Police chief PCOL Roman Arugay kay Eastern Police District (EPD) Director P/Brig. Gen Orlando Yebra Jr., dakong alas-3:51 ng hapon nang ideklarang patay ni Dr. Peter Joshua Ancheta ang batang biktima.

Sa isinagawang cursory examination sa bangkay ng bata, nadiskubre ng mga doktor ang presensiya ng “hematoma” sa kanyang mga hita at braso kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa mga otoridad.

Bunsod nito, kaagad inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police Sub-station 7 ang mag-asawang Villadolid sa kanilang tahanan at ikinulong.

Inamin naman umano ng mga suspek sa interogasyon ng pulisya na bago isinugod sa pagamutan ang bata ay “dinisiplina” umano nila ito dahil sa may nagawa umanong kasalanan. Pina-squat umano nila ang bata at kapag hindi ito nakakasunod sa kanilang ipinagagawa ay pinapalo nila ito ng tsinelas hanggang sa makita na lamang nilang wala nang malay-tao sanhi upang kanilang isugod sa pagamutan.

Isasailalim sa otopsiya ang bangkay ng bata upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito.

vuukle comment

BATA

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with