^

Police Metro

Kasalukuyang presyo, mananatili ng ilang buwan P20 per kilong bigas, tutuparin ni Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Kasalukuyang presyo, mananatili ng ilang buwan P20 per kilong bigas, tutuparin ni Marcos
Ayon kay Marcos, tatargetin ng kanyang administrasyon ang P20 kada kilo ng bigas at nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang kasalukuyang presyo nito sa pamilihan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling inulit ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin nito ang kanyang pangako sa milyung-milyong Pilipino na ibababa niya sa P20 per kilo ang presyo ng bigas at bibigyang proteksyon ang mga magsasaka.

Ayon kay Marcos, tatargetin ng kanyang administrasyon ang P20 kada kilo ng bigas at nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang kasalukuyang presyo nito sa pamilihan.

“We need to form the value chain. I’m already in talks with several traders and asked them if it’s possible to hold the current prices for a few months. I think we’ll be able to do it as a first step,” ani Marcos.

Binanggit din ni Marcos na kailangang ayusin ang “value chain” sa hinaharap.

“But in the long term we need to fix the value chain. That’s the only way to do it,” ani Marcos.

Ipinaliwanag din ni Marcos na isang malaking hamon sa pagsasakatupan ng kanyang pangako, ang tumatanda ng populasyon ng mga magsasaka habang wala namang interes na pumasok sa pagsasaka ang mga kabataan.

“Unfortunately farmers don’t want their children to become farmers too. To address this, we must employ new technologies, it has to be industrial farming to attract the youth to pursue careers in agriculture,” dagdag ni Marcos.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang local agriculture industry sa gitna ng mga murang agricultural products na pumapasok sa bansa.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with