^

Police Metro

Telcos inalerto ng NTC vs text scams

Angie dela Cruz - Pang-masa
Telcos inalerto ng NTC vs text scams
Partikular na inutusan ng NTC ang mga telcos na Globe, Smart at DITO na magpadala ng text blasts sa kanilng subscribers na may mensaheng: “Babala: Huwag pong maniwala sa text na nag-aalok ng trabaho na may pangako ng mala­king suweldo, ito po ay scam.”
STAR / File

MANILA, Philippines — Dahil sa paglaganap ng mga text scams tulad ng pag-aalok ng trabaho, iniutos ng National Te­lecommunications Commission (NTC) sa lahat ng telecommunication companies (telcos) sa bansa na magpalabas ng “text blasts” na nagbibigay babala sa publiko.

Partikular na inutusan ng NTC ang mga telcos na Globe, Smart at DITO na magpadala ng text blasts sa kanilng subscribers na may mensaheng: “Babala: Huwag pong maniwala sa text na nag-aalok ng trabaho na may pangako ng mala­king suweldo, ito po ay scam.”

Binigyan ng palugit ng NTC ang telcos nang hanggang Hunyo 8, 2022, upang makapagsumite ng kanilang compliance report hinggil sa naturang direktiba.

Ipinag-utos din ng NTC sa regional directors at officers-in-charge na lumabas sa local radio at television stations na abisuhan ang publiko laban sa fraudulent text scams mula Mayo 28 hanggang Hunyo 11, 2022. May deadline na hanggang Hunyo 5,2022 ang mga telcos para magpasa ng compliance report hinggil dito.

Nauna nang nagbabala ang technology experts laban sa spam text messages at sinabing nagpapasa ang mga scammers ng mga ganitong mensahe upang makakuha ng personal na detalye o impormasyon ng mga biktima.

TEXT SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with