^

Police Metro

BBM nakapili na ng mamumuno sa DOF, DTI at DPWH

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — May napili ng mga itatalagang kalihim si President-elect Bongbong Marcos para sa Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Marcos, uupo sa DOF si Benjamin Diokno, na kasalukuyang namumuno sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalitan si Felipe Medalla.

Uupo bilang kalihim ng DTI ang kasalukuyang pangulo ng Management Association of the Philippines na si dating University of the President President Alfred Pascual at itinalaga si Manny Bonoan bilang kalihim sa DPWH.

Sa kasalukuyan, si Bonoan ang pangulo at chief executive officer (CEO) ng SMC Tollways at naging undersecretary rin sa DPWH noong administrasyong-Estrada at Arroyo.

Hinirang naman ni Marcos si dating Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo bilang Special Assistant to the President.

Bukod sa mga nabanggit, nauna nang kinumpirma ng kampo ni Marcos ang pagkakatalaga kina Vice-President elect Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education, sa kanyang campaign manager na si Benhur Abalos bilang Secretaray ng DILG.

Inihayag din ni Marcos na inalok niya sina Cong. Dante Marcoleta at Prof. Clarita Carlos na sumama sa kanyang Gabinete pero wala pang pinal na posis­yon ang mga ito. - Joy Cantos

DPWH

DTI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with