^

Police Metro

21 patay sa pamamaril sa Texas school

Gemma Garcia - Pang-masa

UVALDE, Texas — Pinagbabaril ng isang teenage gunman ang isang elementary school sa South Texas nitong Martes, kung saan 18 bata at tatlong matatanda ang nasawi bago mapatay din ang suspek, ayon sa mga opisyal sa Estados Unidos.

Base sa ulat ng Reuters, ang suspek na si Salvador Ramos, 18-anyos na napatay din ng mga pulis na rumesponde sa insidente habang dalawa rin umanong pulis ang natamaan ng bala, subalit hindi naman umano seryoso ang natamo nilang sugat.

Lumalabas sa ulat na mag-isa lamang ang suspek nang biglang pumasok sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas.

Bago ang insidente ay binaril muna ni Ramos ang kanyang lola at kaagad tumakas sakay ng kotse na bumangga malapit sa nasabing paaralan.

Kaagad umanong minasaker ng suspek ang mga biktima kung saan 18 dito ang bata at 3 ang matatanda.

Lumalabas din sa ulat na si Ramos ay nakasuot ng body armor at lumabas sa kanyang sasakyan habang bitbit ang baril at naki­pagbarilan muna sa mga otoridad bago tulu­yang nakapasok sa paaralan.

Ipinag-utos ni US pre­sident Joe Biden na ilagay sa half-staff ang kanilang bandila bilang pagluluksa sa nasabing insidente.

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user