^

Police Metro

Comelec officials na responsable sa nawawalang COCs, pananagutin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Iimbestigahan at po­sibleng panagutin ang mga opisyal at tauhan nila na mapapatunayang res­pon­sable at nagpabaya sa pag­kawala ng ilang mga ‘certificate of canvass (COC)’ na hindi agad naipadala sa Kongreso”.

Ito ang tiniyak ni Com­mission on Elections (Co­melec) spokesperson John Rex Laudiangco na kung saan ay magbibigay ng ka­nilang testimonya ang mga sangkot na tauhan para ma­batid kung ano talaga ang nangyari at dedeterminahin ang kanilang kapabayaan.

Sa inisyal na ulat, nagkaroon umano ng ‘procedural error’ sa kanilang parte partikular na sa mga Provincial Board of Canvassers.

Ipinagpaliban ng Na­tional­­ Board of Canvas­sers (NBOC) ang pag-can­­vass­­­ ng mga boto para sa pre­sidente at bise-pre­si­­­dente sa Pampanga, Sultan­ Ku­darat, Surigao del Sur, Manda­luyong City, Sulu at Maynila dahil sa nawa­walang mga COC. Muling­ iginiit ng opisyal na walang ebidensya na may nangyaring ‘vote shaving’ o ‘vote padding’ sa katatapos na halalan.

COC

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with