^

Police Metro

Robredo, ‘di na kinuwestiyon ang COC

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang naging resulta ng halalan noong Mayo 9, 2022.

Ito ang inihayag ng legal counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal sa pagsisimula ng canvassing ng Kongreso na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC) at hindi sila tututol sa resulta ng canvassing ng mga certificate of canvass (COCs).

Nag-wave rin ang kampo ng outgoing vice president ng kanilang appearance sa joint canvassing committee para mapabilis ang proseso ng bilangan ng boto para sa mga kandidato sa presidential race.

Inulit din ni Macalintal ang panawagan ni Robredo na dapat tanggapin ang na­ging desisyon ng mayorya ng mga Pilipino.

Bukod kay Robredo, nag-manifest din ang legal counsel ni Manila Mayor Isko Moreno na si Atty. Rizalina Romera na hindi sila kokontra sa resulta ng canvassing ng NBOC-Congress.

Pagkatapos nito ay tumayo sa plenaryo si Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita ni presumptive President Bongbong Marcos at ipinaabot kina Robredo at Moreno ang pasasalamat sa pagkilala ng mga ito sa integridad ng resulta ng nagdaang eleksyon. - Joy Cantos

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with