PNP natukoy ang 12 e-sabong ­website, 8 socmed

Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 e- sabong at walong social media pages na una nang iniutos ni Pangulong Duterte na itigil na.

Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office,  sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro sa Pilipinas na may operators at administrators habang ang 10 ay nasa ibang bansa.

Sinabi ni Sabino na dina-download lamang ng mga mananaya ang application ay maaari nang mamili ng online games at tumaya at kadalasan ding pino-promote ng link sa mga FB page.

Kailangan din munang magdeposito ang mananaya ng P100 bilang deposit  upang marehistro.

Ginagamit na rin umano sa online sabong ng  cryptocurrency sa pagtaya.

Hiniling na rin ng PNP sa FB ang pagtatanggal sa e-sabong.

Advertising
Scroll to continue

Nagbabala rin ang PNP na maaaring arestuhin ang mga mananaya at kasuhan ng paglabag sa anti-illegal gambling law (PD 449).

Show comments