Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, mahina

MANILA, Philippines — Sa oras na dumami ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay magiging mahina lamang ang hawaan.

Ito ang pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group dahil ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 na mas mataas sa 1 ay hindi nangangahulugan na ang virus ay magdudulot ng surge.

Sa ngayon sa Metro Manila, ang reproduction number sa kaso ng COVID-19 ay 1.05 na nangangahulugan na ang low risk status ng Metro Manila ay maaaring lamang maging “weak surge” sa kaso ng ­COVID-19  kung dumami man ang kaso.

Sinabi pa ni David na ang average daily attack rate o bilang ng impeksyon sa kada 100 katao ay nananatiling mababa na nasa 0.52 nitong May 23. Ang daily positivity rate ay 1.2% sa average na 11,319 COVID test kada araw habang ang hospital utilization para sa COVID-19 ay 21%.

Dahil sa marami na ang nagpabakuna kontra COVID-19, posibleng umabot na lamang sa pinakamataas na 500 ang kaso kada araw ang maitatala kung magkaroon man ng worst case scenario ng COVID-19 virus.

Show comments