^

Police Metro

Danao, binalaan ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade

Doris Franche - Pang-masa
Danao, binalaan ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade
“Yung mga iba dyan, na hanggang ngayon ay ayaw tumigil sa pag proliferate ng illegal na droga. I would like to address this to the men in uniform of the [PNP]. Meron pa rin sa atin, mangilan-ngilan, I’m giving you stern warning, nakikiusap ako sa inyo, please put a stop to these illegal drugs menace,” pahayag ni Danao sa flag ceremony sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City kahapon.
PDEA FB Page

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa mga pulis na sangkot pa rin sa illegal drugs trade na tigilan na ito o baguhin ang kanilang buhay.

“Yung mga iba dyan, na hanggang ngayon ay ayaw tumigil sa pag proliferate ng illegal na droga. I would like to address this to the men in uniform of the [PNP]. Meron pa rin sa atin, mangilan-ngilan, I’m giving you stern warning, nakikiusap ako sa inyo, please put a stop to these illegal drugs menace,” pahayag ni Danao sa flag ceremony sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City kahapon.

“Nakikiusap ako sa inyo, kung nakalusot na kayo d’yan at hindi kayo nahuli, pasalamat kayo, hangga’t suot ko ‘tong uniporme na ‘to, matuloy man ako na mag-four star o hindi, you take note gentlemen, kilala ko kayo,” dagdag niya.

“I’m giving you a stern warning. Ayaw niyong magbago? Babaguhin ko ‘yong buhay niyo, kung hindi niyo babaguhin, palitan ko ‘yong birthday niyo. Hindi ako nagbibiro,” giit pa ni Danao.

Pagkatapos ng kanyang flag ceremony speech, ipinaliwanag ni Danao na ang kanyang mensahe ay base sa unvalidated reports ukol sa mga pulis na sangkot pa rin sa iligal na droga.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with