^

Police Metro

Drug suspect tiklo sa higit P55 milyon shabu sa Caloocan

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga oto­ridad ang isang bigtime drug pusher sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Tantawi Salic, alyas “Tangie”, 35 ng Phase 12, Riverside Brgy. 188 ng lungsod at nakumpiska sa kanya ang nasa mahigit P55 milyon halaga ng shabu.

Ayon sa ulat, alas-3:50 ng madaling araw  nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Riverside Phase 12, Brgy. 188, Tala at dito ay naaresto ang suspek matapos bentahan ng P70,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 8,100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P55,080,000, pitong foil wrapper bag, isang travel bag pack na kulay asul, isang digital weighing scale na kulay itim, dalawang tunay na P1,000 bills at 68 pirasong P1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user