^

Police Metro

Seguridad sa special elections sa Lanao del Sur, nakalatag na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilatag na ng Commission on Elections (Comelec) at puwersa ng pamahalaan ang ikakasang “special elections: sa Lanao del Sur sa Mayo 24.

Ipinaliwanag ni Commissioner George Garcia na kasama nila sa paghahanda ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglalatag ng ‘security contingency ­measure’ sa Tubaran, Lanao del Sur, ang tanging lugar na hindi nakapagsumite ng Certificate of Canvass (COC).

Ang mga pulis na mismo ang mamamahala sa special elections sa 14 na polling precincts upang hindi na malagay sa panganib ang mga guro dahil sa lantaran na umano ang pananakot sa mga guro na namahala ng halalan noong Mayo 9 maging sa kanilang mga pamilya.

Iniulat pa ng Comelec na nasa 12 barangay sa Tubaran ang may naiulat na karahasan, pananakot at intimidasyon.

COMELEC

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with