^

Police Metro

Omicron subvariant natukoy sa pinoy mula middle east

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Pinoy na nagmula sa Middle East ang natukoy na infected ng Omicron subvariant BA.4, na itinuturing na variant of concern (VOC) ng ­European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) at sinabing ang naturang Pinoy ay dumating sa bansa noong Mayo 4 at noong Mayo 8 ay natuklasang positibo siya sa Omicron subva­riant pero asymptomatic.
“The Department of Health (DOH) has detected Omicron-BA.4 from a Filipino citizen who flew in from the Middle East last May 4, 2022. His positive test result for the subvariant was from a specimen collected on May 8. He was asymptomatic,” anang DOH

Nakikipagkoordi­nasyon na ang DOH sa concerned LGUs (local government units) matapos ang kumpirmasyon ng naturang kaso upang magpatupad ng “detection at isolation activities” bilang bahagi ng PDITR response.

Sinabi pa ng DOH na nakikita ng ECDC ang BA.4 bilang “variant of concern” dahil sa posibilidad na mas mabilis itong kumalat o di kaya ay maaaring magdulot ng mas malalang karamdaman.

Babala pa ng DOH, dapat na maging maingat ang lahat dahil ang ­naturang subvariant ay maaaring magresulta sa pagdaming muli ng mga kaso ng virus sa bansa.

Noong Martes, una nang iniulat ng DOH na nakapagtala na sila ng local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa.

Nilinaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang community transmission ng naturang virus.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with