^

Police Metro

Border control ng ‘Pinas vs ‘monkeypox’ pinaigting

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng bagong sakit na “monkeypox”, pinaigting ng pamahalaan ang pagpapatupad ng border control measures ng bansa.

“We have ­instructed the BOQ (Bureau of ­Quarantine) to intensify its surveillance of passengers coming from countries with known cases of ­monkeypox -- mainly from central and west Africa,” ayon kay Health Sec. Francisco Duque III sa panayam.

Sinabi ni Duque na maging ang symptom screening ay pinaigting din para sa inbound ­passengers bukod pa sa iba pang hakbang upang makontrol na makapasok sa Pilipinas ang nasabing virus.

Nitong Biyernes ay tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang kaso ng monkeypox na natukoy sa Pilipinas kasunod ng mga kasong naitala sa mga bansa sa Europe, United States, Canada, at United Kingdom.

Sinabi ng DOH na ayon sa World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na nagmumula sa mga hayop at pangunahing nangyayari sa mga tropikal na rainforest na lugar ng Central at West Africa. Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, pantal, at pamamaga ng mga lymph node na maaaring humantong sa isang hanay ng mga medikal na komplikasyon.

Karaniwang naipapasa ang monkeypox sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa isang nahawaang tao o ­hayop, o kahit sa pamamagitan ng mga kontaminadong materyales. Bagama’t ito ay mukhang bulutong, ito ay hindi gaanong nakakahawa at nagiging sanhi ng hindi gaanong malubhang sakit.

Sa kabilang banda, sinabi ng mga eksperto na hindi dapat katakutan ang monkeypox at hindi dapat isara ang borders ng Pilipinas.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na bagaman at naalarma ang WHO dahil biglang dumami ang naiulat na kaso o 85 sa buong mundo pero hindi naman na bago ang nasabing sakit na unang nadiskubre noong 1958. - Malou Escudero

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with