^

Police Metro

Taas-presyo sa mga bilihin, aprubado ng DTI

Malou Escudero - Pang-masa
Taas-presyo sa mga bilihin, aprubado ng DTI
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa Public Briefing, nasa 2 hanggang 10 porsyento ang itataas sa presyo ng mga panguna­hing bilihin.
KrizJohn Rosales, file

MANILA, Philippines — May basbas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo sa ilang panguna­hing bilihin.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa Laging Handa Public Briefing, nasa 2 hanggang 10 porsyento ang itataas sa presyo ng mga panguna­hing bilihin.

Inamin nito na marami silang kahilingan na natanggap na malalaki ang porsiyentong nais ipataw sa presyo ng mga bilihin.

Pero, ang pinakamalaki na inaprubahan ng DTI ay 10 porsiyento at mayroon ding dalawa, tatlo, at apat na porsiyento.

Nilinaw din ni Castelo na sa 212 na produkto na nasa “shelf-keeping units” na nakalagay sa bulletin ng DTI, nasa 82 produkto lamang ang nagkaroon nang pagbabago sa presyo.

Kabilang aniya sa mga tumaas ang presyo ay ang mga inuming tubig na na­kabote at naka-container; processed milk; instant noodles, kape at asin.

Aminado si Castelo na hindi mapipigilan ang paggalaw ng presyo ng bilihin dahil tumaas din ang presyo ng raw material at ingredients sa paggawa.

Sinabi pa ni Castelo na nakaapekto rin ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.

DTI

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with