^

Police Metro

4Ps beneficiaries prayoridad sa NFA rice — DAR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung sakali na magkaroon muli ng state-subsidized NFA rice sa pamilihan ay bibigyan ng prayoridad ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pi­lipino Program (4Ps).

“Kung meron nang enough supply, maidadag­dag natin ‘yung ibang pobre natin. Kung tataasan pa natin yung subsidiya ng NFA, then i-include na ‘yung mga pobre. As we have more budget for NFA, mas marami naman ‘yung ilalabas nila na rice every now and then para sa NFA outlets,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.

Magugunita na hindi na naglalabas ng NFA rice sa mga pamilihan mula pa noong Agosto 2019.

Nauna nang ihayag ng Department of Agricul­ture na upang gawing abot-kaya ang presyo ng bigas, maglalabas muli ng NFA rice sa mga pamilihan su­balit para lamang sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

NFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with