^

Police Metro

Mga nanalong party-list groups ipoproklama sa Mayo 25

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa muling pagko-convene ng National Board of Canvassers (NBOC) ay posibleng ikasa na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups.

Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, na ang proklamasyon ay kapag natapos na ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makaka­apekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China.

Muling ipinaliwanag ni Laudiangco na ang nasa 685,643 na boto sa Lanao del Sur at ang 1,991 votes naman sa Shanghai ay malaki pa rin ang epekto sa ranking o pagkakasunud-sunod ng mga party-list groups.

At dahil hanggang sa susunod na linggo na lamang ang kontrata ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers­ (NBOC) sa Forum Tent sa Philippine International Convention Center (PICC) ay pinag-uusapan na kung lilipat sila ng venue ng proklamasyon dahil kailangan ang ma­luwag na espasyo sa proklamasyon at maipa­tupad pa rin ang health protocols.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with