Crime rate sa Pinas bumagsak sa 50% sa ilalim ng Duterte administration
MANILA, Philippines — Bumaba ang crime rate ng 50 porsyento sa nakalipas na limang taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, ang bilang ng mga krimen na naitala sa nasabing panahon ay nasa 1.35 milyon, na kalahati lamang ng 2.7 milyong krimen na naitala mula taong 2010 hanggang 2015.
“Since the anti-drug war started in 2016, statistics had already shown that crimes committed from 2010 to 2015 we brought it down by 50%,” ani Densing, sa panayam sa telebisyon.
“So from 2.7 million, more or less, number of crimes committed in the last five and a half years gone down to 1.35 million,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Densing na malaki ang naitulong ng drug war na inilunsad ng pangulo sa pagpapababa ng crime rate, dahil karamihan sa mga naitatalang krimen ay may kinalaman o nag-ugat rin sa ilegal na droga.
Aniya pa, ilang laboratoryo na rin ng ilegal na droga ang matagal nang tumigil sa operasyon at maraming drug lords ang umalis ng bansa sa panahon ng termino ng Pang. Duterte.
- Latest