^

Police Metro

Petisyon sa COC ni Marcos umakyat na sa SC   

Danilo Garcia - Pang-masa
Petisyon sa COC ni Marcos umakyat na sa SC   
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, presumptive president-elect, speaks to reporters at the campaign headquarters in Mandaluyong City on May 11, 2022
AFP / Ron Lopez

MANILA, Philippines — Umakyat na sa Korte Suprema ang petisyong kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Halalan 2022, na inihihirit ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) upang harangin ang pagbibilang ng mga boto para sa kanya maging ang proklamasyon niya sakaling magwagi sa eleksyon.

Hiniling ng petitioners na sina Father Christian Buenafe, Fides Lim, Ma. Edeliza Hernandez, Celia Lagman Sevilla, Roland Vibal, at Josephine Lascano sa Korte Suprema na maglabas ng TRO na pipigil sa Senado at Kamara sa pag-canvass ng mga boto para kay Marcos at pagproklama sa kanya sakaling manalo sa katatapos lamang na halalan.

Kabilang sa mga hini­ling ng mga petitioner ay bigyan ng tamang pagtrato ang kanilang petisyon; baligtarin ang resolusyon ng Comelec noong Mayo 10 at Enero 17 na nagbaba­sura sa kanilang petisyon; kanselahan at ideklarang ‘void ab initio’ ang COC na isinumite ni Marcos at ideklara siya na hindi kailanman naging kandidato nitong nakaraang eleksyon ng Mayo 9.

Hiniling rin nila na gawing permanente ang TRO na ilalabas sa Kongreso at pigilan ito na magsagawa ng ‘canvassing’ ng mga boto para kay Marcos.

Nauna nang pinagtibay ng Commission on Elections En Banc ang resolusyon ng Comelec former Second Division na bumabasura sa petisyon ni Buenafe na kanselahin ang COC ni Marcos.

Matatandaang inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na pwede pang umapela sa Korte Suprema ang mga petitioner ukol sa desisyon.

Nag-inhibit si Garcia sa pagbababa ng desisyon sa mga petisyon dahil sa dati siyang election lawyer ni Marcos.

COC

COMELEC

TRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with