^

Police Metro

Riot sa Quezon City jail, 1 inmate patay; pinaiimbestigahan ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang naganap na riot sa Quezon City Jail na ikinasawi ng isang inmate, iniutos Mayor Joy Belmonte ang agarang imbestigasyon sa insidente kamakalawa.

Partikular na pinakilos ni Mayor Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para magsagawa ng malalimamg imbestigasyon sa riot ng magkalabang gang sa naturang piitan.

“Iniutos na natin ang malalimang imbestigas­yon sa nangyaring riot sa ­Quezon City Jail para malaman ang puno’t dulo nito.Kailangang maparusahan ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin kung mayroon man, upang hindi na maulit pa ang ganitong klaseng insidente sa ating mga pasilidad,” pahayag ni Mayor Belmonte. 

Binigyang diin ni Belmonte ang kahalagahan na mapag-aralan ng BJMP ang kanilang  security protocols  upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa mga darating na panahon.

Sa ulat ng pulisya, nagkasagupa ang mga miyembro ng Batang City Jail, Commando at Bahala na Gang sa naturang kulu­ngan ganap na alas-3 ng hapon noong Biyernes 

May halos 10 preso ang  nasugatan sa insidente ang dinala sa  East Avenue Medical Center at  isa rito ay namatay.  

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with