^

Police Metro

Bigtime rollback sa diesel, konting bawas presyo sa gasolina

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng malaking pagbaba sa presyo ng diesel habang bahagyang nabawasan naman ang halaga ng gasolina sa bansa.  

Ito ay makaraang maianunsyo ng Unioil Philippines na magbaba sila ng presyo ng diesel ng may P2.90  hanggang P3.00  kada litro samantalang magbaba rin sila ng presyo ng gasolina ng P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Noong nagdaang linggo ay nagtaas ang mga kumpanya ng gasolina ng may P4.20 kada litro samantalang sa halaga ng diesel ay nagtaas ng P4.20 kada litro at P5.85 kada litro sa kerosene.

Dahil dito, nagkaroon ng  adjustment ang presyo ng gasolina na may  P22 kada litro,  diesel ay nasa  P34.50 kada litro at ang  kerosene ay P29.75 kada litro mula nang pumasok ang Enero ngayong taon. 

Nagtaas ang halaga ng petroleum products noong nagdaang mga araw dulot ng pag-iral ng  Covid -19 lockdowns sa China na  top oil exporter habang mataas ang demand sa mga produktong petrolyo.

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with