^

Police Metro

Marcos binati nina US President Biden at Chinese President Xi

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos binati nina US President Biden at Chinese President Xi
China's President Xi Jinping applauds during the opening ceremony of the Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC) at the Great Hall of the People in Beijing on March 4, 2022.
AFP/Matthew Walsh

MANILA, Philippines — Binati nina US President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakaambang ang pagkapanalo sa pagka-presidente ng Pilipinas.

Nakasaad sa statement­ na binanggit ni US Pre­sident Joe Biden ang ka­halagahan nang pagpa­palakas ng alyansa ng Pi­lipinas at Amerika habang nagtutulungan sa mara­ming isyu katulad nang paglaban sa COVID-19, problema sa klima, pagpapalakas ng ekonomiya at pagrespeto sa karapatang pantao.

Ikinagalak naman ni Marcos ang pagkilala sa kaniyang tagumpay ng American President na mahabang panahon ng kaalyado ng Pilipinas.

Pinuri naman ng China ang Pilipinas sa mapayapang halalan nitong nakaraang Mayo 9 at nagpahatid ng pagbati kay Marcos.

Ayon kay Huang Xi­lian, Ambassador ng China sa Pilipinas, isang liham ang ipinadala ni Chinese President Xi Jinping kay Marcos kung saan nagpahatid ito nang pagbati.

Ayon pa sa opisyal ng China, patuloy ang ka­nilang maayos na pakiki­pag-ugnayan sa Pilipinas para sa mas maayos na relasyon.

Bukod sa US at China ay pinuri na rin ng Japan, at European Union ang maayos na halalan sa bansa kasabay din ng pagbati kay Marcos sa kanyang panalo. - Joy Cantos

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with