Face mask puwede nang tanggalin kung mas mababa na sa 200 ang COVID-19 case
May 12, 2022 | 12:00am
MANILA, Philippines — Maaari nang tanggalin ng publiko ang pagsusuot ng face mask kung mas mababa na sa 200 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology na kung magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay posibleng hindi na maging mandatory ang face mask.
Malaking bagay aniya ang pagsusuot ng face mask sa pagkontrol sa pandemic na naging mabisa upang hindi kumalat ang Omicron variant.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended