^

Police Metro

Guro na nakatalagang election board itinumba

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang guro sa Negros Occidental na nakata­laga bilang support staff sa isang electoral board sa Hima­maylan City ang pinagbabaril sa bisperas ng araw ng eleksyon.

Idineklarang dead on arrival sa Governor Valeriano M. Gatulsao Memorial Hospital ang biktimang si Mercy Miguel. Ligtas naman ang mister nitong si Aldrin.

Sa report ng Philippine National Police’s Regional Office 6 (PRO6) Public Information Officer chief Police Lieutenant Colonel Arnel Solis, alas-8:30 ng gabi ay pauwi na ang mag-asawa sa Brgy. Caradio-an nang bigla na lamang sumulpot ang mga salarin at pinaputukan ang mag-asawa kung saan tinamaan sa tiyan si Mercy na dahilan ng kanyang kamatayan.

Apat na ng basyo ng 9 mm caliber ang na-reco­ver sa crime scene.

CRIME

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with