^

Police Metro

Paslit na babae nakuryente sa ilog, patay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 10-anyos na batang babae nang ito ay makuryente habang naliligo sa ilog  ng Sitio Agriville, Brgy. Cabidan, East District, Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ana Christina Pareja Ducay, grade 6, residente ng Brgy. San Ramon, Bacon District, Sorsogon City.

Sa ulat, nagkayayaang maligo ng biktima at isa sa kanyang kalaro na maligo sa ilog sa kalapit na barangay.

Gayunman, habang naliligo ay aksidenteng nahawakan ng bata ang nakabitin na kable ng kuryente sa isang kubo sa tabi ng ilog dahilan para ito ay makuryente.

Agad nangisay ang biktima na mabilis namang nasaklolohan ng mga residente at isinugod sa Metro-Health Hospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with