^

Police Metro

4 mangingisda gutay sa sumabog na dinamita

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na mangingisda ang nasawi noon din ma­tapos sumabog ang ginagawa nilang dinamita na gagamitin sa kanilang pangingisda naganap, kamakalawa sa Sitio Ipil 2, Brgy. Buyo, Claveria, Masbate.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Eddie Lape Maloloy-on Jr., 20; Ryan Bonggot Manapao, 30, pa­wang residente ng naturang lugar; Jonathan Albao Lape, 41; at Roque Mar Yuson Guazon, 19, kapwa residente ng Sitio K-Putol, Brgy. Pasig, Claveria.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon ay gumagawa ng mga dinamita ang apat sa loob ng bahay ni Malo­lo­y-on gamit ang ammonium nitrate na kilala sa tawag na “abuno” at blasting caps para gamitin nila sa panghuhuli ng isda.

Gayunman, biglang su­mabog ang mga dinamita sa harap ng mga biktima na agad nilang ikinasawi. - Doris Franche

DYNAMITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with