^

Police Metro

COVID-19 cases bahagyang tumataas - OCTA

Malou Escudero - Pang-masa
COVID-19 cases bahagyang tumataas - OCTA
Commuters queue for the carousel bus in Monumento, Caloocan on November 2, 2021
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa mga mass gathering na may kinalaman sa eleksiyon, inihayag ng OCTA Research ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa.

Sa Laging Handa online public brieifing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID na medyo tumaas pero hindi pa naman masyadong nakakabahala.

“Ang ating reproduction number ay nasa .7 or .71, medyo bahagyang umakyat, pero hindi pa naman ganoon ka-alarming..,” ani Ong.

Ang daily case na naiitala aniya ay below 200 pa lamang at mabuti pa ring babantayan ang mga probinsya sa mga susunod na araw hanggang sa halalan.

“Iyong ating daily new case ay below 200 pa lamang, and let’s just say, karamihan sa mga probinsiya ay nasa double-digit or single-digit lamang ‘no. So, we will be monitoring closely the provinces and regions in the next few days leading up to the elections,” dagdag ni Ong.

 Kabilang aniya sa binabantayan bukod sa NCR ay ang Cavite, Rizal, Cotabato, Zamboanga at Batangas at tinitingan kung ano ang magiging trend sa mga areas na ito sa sunod ng limang araw.  

COVID-19

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with