^

Police Metro

Nigerian tiklo sa P4 milyon shabu sa bote ng baby sterilizer

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa P4 mil­yong halaga ng shabu na itinago sa isang bote ng baby sterilizer ang nasabat ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa.

Isang Nigerian national ang nadakip  na hindi muna pinangalanan sa follow-up operation dakong alas-8 sa may Marcos Alvarez Ave­nue cor Veraville Homes, Talon Singko, Las Piñas City, makaraang tanggapin ang package.

Unang nadiskubre ang kontrabando ng BOC sa isinagawang X-ray scanning na nagpakita ng ka­hina-hinalang imahe.

Nang isailalim sa pisikal na eksaminasyon, dito natuklasan ng nakatalagang­ Customs examiner ang nasa 588 gramo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa isang aluminum foil at ipinasok sa isang baby bottle­ sterilizer at dryer.

Sa rekord, nanggaling ang package sa Laos at idi­neklarang ‘electric steamer’ at nagpositibo na shabu ang item nang isailalim sa chemical test ng PDEA.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with