^

Police Metro

Duterte, inaming nagkamali sa pangakong tatapusin ang illegal drugs sA 6 na buwan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya nang ipangako niya na kanyang tatapusin ang problema tungkol sa ilegal na droga sa loob lamang ng anim na buwan.

Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) Project sa Cebu, muling inalala ni Duterte ang problema ng ilegal na droga buhat noong maging mayor siya ng Davao City halos 23 taon na ang nakakaraan.

Pero, inamin ni Duterte na masyado siyang naging tiwala nang i­pangako niyang ma­reresolba ang problema sa loob lamang ng kalahating taon kung mahahalal sa puwesto.

Idinagdag ni Duterte na nakita niya kung gaano kalaki ang problema nang malaman niya na anim na heneral ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa ilegal na droga.

Tiniyak ni Duterte na kahit hindi na siya presidente ay gagawa pa rin ng paraan upang masolusyunan ang problema.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with