^

Police Metro

Nanay pinatay ng anak habang nagbabasa ng pasyon

Jorge Hallare - Pang-masa
Nanay pinatay ng anak habang nagbabasa ng pasyon
Devotees sing loudly a verse rendition of the Passion of Christ called "pasion" during a traditional Pabasa at the Plaza Miranda fronting the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila on Tuesday midnight, April 12, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na ginang ang nasawi nang ataduhin ng saksak ng sariling anak habang nakaluhod sa harap ng altar at nagbabasa ng pasyon sa kanilang kapitbahay sa Purok-3, Brgy. Buang Tabaco City, Albay.

Kinilala ang nasawi na si Alodia Ocbian Dacer na nagtamo ng apat na saksak sa katawan.

Naaresto naman agad ng mga rumespondeng barangay officials at dinala sa police station ang suspek na kinilalang si Michael, 33.

Sa ulat, alas-2:00 ng hapon habang nakaluhod sa altar ang biktima at nagbabasa ng pasyon sa loob ng bahay ay lumapit ang suspek at humihingi ng pera sa ina.

Gayunman, hindi ito binigyan ng nanay sa halip ay pinagsabihan ang suspek na kumain na lamang at matapos makakain ay  pinuntahan ang ina saka pinagsasaksak ito sa likod.

CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with