^

Police Metro

Ayaw ikumpara kay Putin, Duterte inamin ang patayan sa droga

Malou Escudero - Pang-masa
Ayaw ikumpara kay Putin, Duterte inamin ang patayan sa droga
Sa “The President’s Chatroom” kung saan nakaharap ng Pangulo si senatorial candidate Harry Roque, sinabi ni Duterte alam niya na inatake siya dati ni Roque pero totoo naman ang mga kritisismo laban sa kanya at sa katunayan ay may kaso siya sa International Criminal Court.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoo ang mga ibinabato sa kanyang kritisismo na nagkaroon ng mga patayan na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa “The President’s Chatroom” kung saan nakaharap ng Pangulo si senatorial candidate Harry Roque, sinabi ni Duterte alam niya na inatake siya dati ni Roque pero totoo naman ang mga kritisismo laban sa kanya at sa katunayan ay may kaso siya sa International Criminal Court.

Sinabi ni Duterte na kinuha niyang spokesperson si Roque dahil gusto niya ang mga taong nagsasabi ng totoo.

“Pero ako, I took you in as my spokesman eventually kasi gusto ko ‘yung mga tao na nagsasabi nang totoo sa akin maski na eh magagalit ako ‘yung tingin nila na ito ‘yung kaso mo,  ito ‘yung gawain mo. And you had the temerity to actually criticize me and I like it,” sabi ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na walang kasalanan si Roque kung nagsasabi ito ng totoo.

Totoo rin aniya na may mga patay (dahil sa droga) pero hindi siya katulad ni Russian President Vladimir Putin dahil hindi siya nagpapapatay ng mga bata at nambobomba ng mga babae.

Sinabi naman ni Roque na noong bago siya pumasok sa gobyerno ay mi­yembro siya ng civil society at inimbestigahan niya ang Davao Death Squad.

Ayon pa kay Roque, totoo na mayroong Davao Death Squad pero sa nakita rin niya na walang ebidensiya na mag-uugnay sa grupo kay Duterte.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with