^

Police Metro

Anakpawis Party-list nominee, inaresto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa hinihinalang may ugnayan sa komunistang grupo, inaresto ng mga awtoridad ang isang lider magsasaka na nominee ng Anakpawis Party-list sa Bayombong, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si Anakpawis Party-list 4th nominee at Cagayan Valley coordinator na si Isabelo Adviento. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maaresto si Adviento habang kumakain sa isang kilalang fastfood chain sa Bayombong.

Noong Disyembre 2020 ay ni-raid na rin ng PNP operatives ang bahay ni Adviento sa Baggao, Cagayan. Gayunman, pinalaya ito ng korte dahil sa kakulangan umano ng matibay na ebidensya.

Umalma naman ang Anakpawis sa pagsasabing biktima ng “red tagging” si Adviento.

Itinanggi rin ni Adviento ang alegasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isa siyang recruiter ng teroristang New People’s Army (NPA).

PARTYLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with