^

Police Metro

Jobless Pinoys lumobo noong Pebrero

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dumami noong nakaraang Pebrero ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho,

Ayon kay National Chief Statistician Dennis Mapa, na sa panahon na iyon marami ang naghanap ng trabaho ngunit nabigo dahil li­mitado pa rin ang bilang ng mga nagbukas na negosyo dahil sa protocols at restrictions.

Noong Pebrero, dagdag pa ni Mapa, dumami ang naghanap ng mapapasukan, 1.94 milyon, mula sa 1.16 milyon sa buwan na sinundan.

Ibinahagi na noong Pebrero, 3.13 milyon ang walang trabaho sa bansa para sa unemployment rate na 6.4 porsiyento.

Mataas ito sa 2.93 mil­yon na naitalang walang trabaho noong Enero.

Ngunit mababa naman ito sa 4.19 milyon noong Pebrero 2021.

Pinakamababa pa rin maituturing ang 6.4% unemployment rate sa pinakamataas na 17.6% o 7.3 milyon noong Abril 2020.

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with