^

Police Metro

Buwanang P500 ayuda tiyak na mapopondohan

Joy Cantos - Pang-masa
Buwanang P500 ayuda tiyak na mapopondohan
Ito ang tiniyak ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda dahil ang pondo para sa naturang ayuda ay maaaring manggaling sa kasalukuyang badyet ng pamahalaang nasyunal at karagdagang pondo sa iba pang mga gastusin mula sa mga ‘dividend remittances’ at iba pang pondong hindi galing sa buwis.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Mapopondohan ang P500 ayuda para sa mahihirap na pamilya na iniutos ni Pangulong Duterte sa halip na suspendihin ang ‘excise tax’ sa tumataas na presyo ng langis.

Ito ang tiniyak ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda dahil ang pondo para sa naturang ayuda ay maaaring manggaling sa kasalukuyang badyet ng pamahalaang nasyunal at karagdagang pondo sa iba pang mga gastusin mula sa mga ‘dividend remittances’ at iba pang pondong hindi galing sa buwis.

Naunang inaprubhan ng Pangulo ang P200 ayuda para sa mahihirap ngunit itinaas niya ito sa P500 noong Marso 21 dahil sa hindi umano ito sapat kahit sa pamilyang tatlo lamang ang miyembro.

Si Salceda ang ­pangunahing nagsulong ng panukalang ‘cash’ na ayuda sa mahihirap sa gitna ng umiiral na krisis sa presyo ng langis, at sinabi niyang kaya ito ng pamahalaan basta mapapanatili ang ‘expandable fiscal space’ nito sa pamamagitan ng ‘value added tax (VAT) collections’.

Ang pagbibigay ng karagdagang ayuda sa mahihirap na pamilya ay napagpasiyahan matapos magdesisyon ang Pangulo na panatilihin ang ‘excise tax’ sa mga produktong langis.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with