^

Police Metro

Pulis, sekyu dedo sa motorsiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang pulis at isang sekyu matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Port Area, Maynila at Tagaytay City, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Patrolman John Rudolf Cruz, 24, binata, nakatalaga sa Aviation Security Group (ASG), at tubong Talavera, Nueva Ecija at Quirico Senita Jr., security guard, residente ng Poblacion 5, Alfonso, Cavite.

Sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw ay matulin ang pagpapatakbo ni Cruz sa kanyang motorsiklo sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, Anda Circle, Port Area hanggang sa magpagewang-gewang at sumemplang ito at humampas ang ulo sa center island ng Anda Circle na ikinasawi nito.

Namatay din si Senita nang masagi ng SUV at nasalpok pa ng van habang nagmomotorsiklo sa Tagaytay-Nasugbu Highway, Brgy. Neogan, Tagaytay City, Cavite, kahapon ng alas-6:55 ng umaga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang driver na sina Leiron  Alcoreza, 23, estudyante at Joefrey Balolongay, 41. - Cristina Timbang

AKSIDENTE

MOTORCYCLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with