^

Police Metro

10.7 milyon pamilyang Pinoy nadama na sila ay mahirap - SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa
10.7 milyon pamilyang Pinoy nadama na sila ay mahirap - SWS

MANILA, Philippines — Kumonti ang pamil­yang Pilipino na itinuring ang kanilang mga sarili bilang mahirap, base sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa huling quarter ng 2021.

Ang non-commissioned survey na isinagawa mula Disyembre 12 hanggang 16, 2021, na may 1,440 respondents kung saan lumabas na 43 porsiyento ng mga pamilyang Pilipino ang nagre-rate sa kanilang sarili bilang “mahirap” habang 39 porsiyento ay nag-rate sa kanilang sarili bilang “borderline poor” (sa pagitan ng mahirap at hindi mahirap), at ang 19 percent dito ay nag-rate sa kanilang mga sarili bilang “hindi mahirap” or “not poor.”

Base sa resulta, bumaba sa 10.7 milyong pamil­yang Pilipino ang nadama na sila ay mahirap noong Disyembre 2021, kumpara sa 11.4 milyon noong Set­yembre 2021, ayon pa sa survey.

Samantala, sinabi ng SWS na ang dalawang puntos na pagbaba ng self-rated poor sa fourth quarter ng 2021 ay dahil sa pagbaba sa Mindanao at Metro Manila, na sinamahan ng bahagyang pagtaas sa Visayas at Balance Luzon, o Luzon sa labas ng Metro Manila.

POVERTY

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with