^

Police Metro

Pagsuot ng face mask tuloy pa rin - Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa
Pagsuot ng face mask tuloy pa rin - Duterte
Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Talk of the People, dahil sa matagal pa ang pandemic at may mga ulat na may bagong COVID-19 variant sa Israel  kaya posibleng makapasok din ito sa bansa.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 case sa bansa ay mananatili pa rin ng pagsusuot ng facemask.

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Talk of the People, dahil sa matagal pa ang pandemic at may mga ulat na may bagong COVID-19 variant sa Israel  kaya posibleng makapasok din ito sa bansa.

Kaya’t nakikiusap si Duterte na huwag munang galawin ang Bayanihan law dahil nakalaan ito para tugunan ang nakaambang COVID-19 surges.

Nilinaw pa ng Pangulo na hindi pa siya handa na bawiin ang pagsusuot ng face masks lalo na sa mga saradong pampublikong lugar.

Bagama’t mas mababa na ang bilang ng kaso ngayon ng nasabing virus sa buong bansa dahil nakakatulong umano ang pagsusuot ng face mask para mapigilan ang hawahan.

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na kabilang sa health measures na itinakda ng gobyerno para pigilan ang pagkalat ng virus ay ang paggamit ng face mask.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with