^

Police Metro

Go, namahagi ng ayuda sa mahihirap na residente ng Cebu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Libu-libong residente ng Poro at San Francisco sa lalawigan ng Cebu ang nakatanggap ng ayuda sa isinagawang dalawang araw na relief effort ng grupo ni Sen. Bong Go.

Sa isang video message, umapela ang senador sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa health protocols sa kabila nang pagbaba ng mga naiuulat na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Hiniling rin ng senador sa lokal na pamahalaan ng Poro at San Francisco na pangunahing tulungan ang mga vulnerable sectors sa pag-avail ng bakuna sakaling maideliber na ang mga ito sa kanilang lugar.

Namahagi ang mga staff ng senador ng mga masks at pagkain sa mga residente, gayundin ng bagong pares ng sapatos at computer tablets sa mga piling recipients.

Muling binigyang-diin ni Sen. Go ang kahalagahan ng kalusugan ng mga mamamayan at hinikayat ang mga ito na lumapit sa alinman sa anim na Malasakit ­Centers sa lalawigan ng Cebu sakaling kailanganin nila ng tulong medikal.

CASH AID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with