^

Police Metro

Desisyon ni Duterte sa 4-day work week malalaman sa lunes

Malou Escudero - Pang-masa
Desisyon ni Duterte sa 4-day work week malalaman sa lunes
Residents of Batasan in Quezon City receive cash aid at Quezon City Polytechnic Univesity from the government's social amelioration package on Aug. 12, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Malalaman sa dara­ting na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development ­Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up.

Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag na naman kay Pangulong Duterte ang magiging benepisyo ng nasabing mungkahi kung saan layunin nitong makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng pamahal na pamahal sa presyo ng mga prime commodities.

Bukas din aniya ang Chief Executive sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.

Aniya pa, nagsalita na rin naman si Pangulong Duterte na kung anuman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan gayung ito naman ang kanilang forte.

Matatandaang, inirekomenda ng economic team na huwag suspendihin ang excise tax na inaprubahan naman ng Punong Ehekutibo.

Nauna nang nilinaw ni NEDA Director General at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua kay Duterte na 40 oras pa rin namang magtatrabaho ang mga em­pleyado pero pahahabain lamang ang oras kada-araw upang maging apat na araw na lang ang trabaho.

NEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with